Monday, December 5, 2016

"Naranasan mo na bang mag mahal ng hindi sayo?"

Naranasan mo na bang mag mahal ng hindi naman kayo? Or should i say, "Naranasan mo na bang mag mahal ng hindi sayo?"

Ang hirap kase sa mga tao ngayon, masyadong nagmamadali, masyadong inaapura lahat ng bagay, lalong lalo na pagdating sa mga gusto natin. Kadalasan sa mga taong to yung mga fresh pa sa break up. Lalo na yung mga naloko? Hmmm bes alam mo yan! Sila yung mga taong sobrang nasaktan ng todo na gustong gusto na bumawi dun sa Ex nila. Or should i just say na sila yung mga taong naghahanap ng 'rebound'.

Sila yung taong nag hahanap ng kausap at kasama matakpan lang yung sakit na nararamdaman nila. Yung gagamitin ka lang para maging masaya sila at makalimot ng sandali. Bad noh? But what if mag meet yung taong mang gagamit at yung taong naghahanap lang ng attensyon? For example lalake ako kakagaling ko lang sa break up then ikaw babae ka at may karelasyon ka pero napapagod at nasasaktan ka na. Gusto mo na ng attensyon para mafeel mo ulit yung ikaw at yung worth mo. Yung mga ganyang eksena na pang telenovela.

Ano kayang feeling? Ako honestly? Sobrang nakakapang guilty lalo na alam mo sa sarili mo na hindi ka naman talaga ganong tao. At isa pa, alam mo kung gano kasakit yung feeling ng naaagawan ng attensyon ng taong mahal na mahal mo. Alam mo yung feeling na pilit mong inaayos yung relasyon niyo pero yung focus niya nasa iba na minsan hindi mo na alam kung nasaan siya. Hugot na hugot bes! Pero seryoso? Sobrang hirap. Kase hindi mo alam kung san mo ilulugar yung sarili mo kase nga hindi naman talaga siya sayo.

By this, masaya ka na sa mga nakaw na sandali. Sa mga palihim na messages, sa mga palihim na pagkikita. Papaliitin mo yung mundo mo para sa taong alam mong hindi sayo. Knowing na mas masasaktan ka sa ganitong bagay kase alam mo sa sarili mo na may mahal pa siyang iba. Pero dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo, willing ka na makihati. Maramdaman mo lang yung feeling na namimiss mo which is yung masaya ka.

Masaya kang ginamit, masaya kang gumamit, in exchange nung temporary happiness mo. Pero wala ka na kasing pakialam eh. Sa sobrang longing ka na sa pagmamahal at pagiging masaya, napupunta ka na naman sa ibang tao. Nagiging unfair ka na naman sa sarili mo. Minsan kahit alam mong kasal at may anak na yung tao, sa sobrang pagmamadali mo sa paghahanap ng happiness mo, may nasisira ka ng pamilya.

Sa una oo, siguro masasabi mo na "masaya to" kase namimiss mong lumandi, namimiss mong kiligin, matatry mo na yung mga bagay na hindi mo pa nagagawa before which makes things more exciting. At the same time papasok dun yung bagay na nakakabawi ka na sa mga bagay na ginagawa sayo dati. Biglang masasabi mo nalang sa sarili mo na "Ahh ganito pala yung feeling", "Ahh ganun pala yon" After that alam mo kung ano? Marerealize mo na hindi tama yung ginagawa mo and eventually masasaktan ka na naman ng hindi mo namamalayan.

Pero sobrang nakakapang guilty talaga, as in. Dito ko narealize na hindi pala talaga biro maglaro ng feelings lalo na kung yung nararamdaman nung isang tao is totoo tapos wala lang sayo. Hindi masaya sa feeling na iiwan mo nalang yung isang tao after mo makuha yung gusto mo. Hindi mo napansin hinarap mo yung realidad ng puro kasinungalingan. Para kang nanuod ng 4D na mukhang realistic lahat natatakot ka, natatawa ka, kinikilig ka pero alam mo sa sarili mong hindi totoo.

But you know what? Life is a matter of choice. One can make your life happy and the other will make your heart happy. Pano ko nasabi? Minsan kase hindi mo na iniisip yung bagay na pwedeng mangyare sayo basta mahal mo. Wala ka ng pakialam sa status, wala ka ng pakialam sa feelings at emotions, ang importante sayo yung kasama mo na yung mahal mo.

Imaginin mo nalang yung mga bagay na nasisira mo habang ginagawa mo yon at pinipilit mong maging masaya. Isipin mo nalang yung pakiramdam nung taong pinagtataksilan niyo kase ikaw mismo sa sarili mo, alam mo yung pakiramdam. Minsan imaginin mo yung sarili mo na ikaw naman yung ginagamit para alam mo kung gano kasakit.

Bes tama na. Oo we are living in the 21st century pero it doesn't mean na outdated ka na kung 90's padin yung mentality mo pag dating sa pag-ibig. Alam mo kung papano nauso yung mga Fuccboi at Fuccgirl? Dahil sa mga taong nag mamadali at ginagawang hobby yung pananakit. Wag kayong mag madali, dadating yan. 100 million plus na yung tao sa pilipinas at araw araw may gumagawa pa ng baby. Malay mo ginagawa na yung sayo, mag hintay ka lang.

Speaking of mag hintay, hintayin mo nalang sila mag hiwalay. Pero habang nag hihintay ka, wag mo naman sila landiin para mapabilis yung pag hihiwalay nila diba? Hindi naman talaga kase lahat ng relasyon perpekto at minsan kelangan mo tumapak sa lupa para alam mong totoo yung nangyayare sayo bago ka umangat ulit. Dun mo lang din naman kase marerealize na nagwwork yung relasyon niyo at nag ggrow kayo.

Hindi din naman kase maganda yung puro saya, minsan kailangan mo maramdaman yung sakit para mas maramdaman mo yung essence ng pagmamahal. Wag ka makihati, "look for your other whole" wag ka maging unfair sa sarili mo. Wag ka tumanggap ng award na hindi mo naman pinag hirapan. Isipin mo nalang para kang nag gym, pero tinatamad ka kaya sinabi mo nalang "bes ibuhat mo nalang ako babayaran kita"

At the end of the day, you are paying the price habang iba yung nag gagain. Sino ngayon ung talo? Sino ngayon yung nawalan? Oo nasaktan siya pero ikaw yung nag bayad. Kung sasabihin mo saken na "i am willing to pay the price just to have him back" Edi ikaw na po RK. Tutal ngayon pera pera din naman ang usapan. Ang galing nga eh, praktikal na tao ngayon. Mag pasalamat tayong lahat sa pag-ibig funds. - buset


Follow me for more updates :)













Sunday, November 6, 2016

Nagmahal, Nasaktan, Nagreminisce



Reminisce? Eto yung bagay na hindi ka mananalo kahit anong pilit mo. Dalawa lang yan eh, its either ngingiti ka kase masaya or iiyak ka kase masaya. Para sabihin ko sayo to ito yung pinakamahirap na pangyayare kase hindi mo kayang pigilan yung mararamdaman mo o maiisip mo.  
Sample? Eto madalas saken to eh, pumasok ka sa isang convenient store para mag hanap ng maiinom o makakaen. Uhaw na uhaw ka na then nag play yung paborito niyong music tapos yung kanta pa "marry me"pagka-rinig na pagka-rinig mo dun sa intro palang tulala ka na agad. Nag flash back na kaagad sayo yung memories niyo na magkasama kayo. Imbes na yung gusto mo yung binili mo, iba yung kinuha mo.

Bakit? kase yun yung gusto niyang bilhin mo sa kanya. For a brief moment of time naging unfair ka na naman sa sarili mo. But tatawagin mo bang unfair yon kung yun naman talaga yung gusto mong gawin? Yung mapasaya lang siya, yung hindi mo iniisip yung gusto mong inumin kase ang importante yung moment na napasaya mo siya sa maliit na bagay kahit wala na siya. When you love unconditionally, wala talagang boundaries. Dito papasok yung alam mong tama ka sa sarili mo pero hindi importante yung manalo ka kase ayaw mong sumama yung loob niya sayo kahit anong mangyare.

Madalas yung big things yung gusto natin mangyare not knowing na yung small things talaga yung nag bibigay satin ng memories. Yung small things na yon, napakalaking impression non kapag iniisip mo yung nakaraan. Imagine yung dinner niyo sa mamahaling resto na naka reserve niya sayo as a surprise. Big thing yon kase pinag handaan talaga ng maigi at pinag ipunan. Pero ito itatanong ko sayo. Gusto mo ba talaga yung food don? Komportable ka ba talaga sa  pangyayare? Masaya ka ba? Oo siyempre mahal yun eh. AHAHA!

Kesa naman sa ganito. Wala kayong masyadong pera so mas pinili niyo nalang kumaen sa simpleng lugar like food bazaar. Nag travel pa kayo para mag hanap ng kakainan, nag away pa kayo kung ano yung kakainin, tinitignan niyo pa kung anong food yung pasok sa budget niyo. Mag aagawan pa kayo ng pagkaen kase hindi pwedeng maubos yung sayo. Gagawa ka ng paraan para tumayo lang yung kasama mo para makuha yung sa kanya. Minsan kahit parehas kayo ng inorder "Parang ang sarap ng sayo, patikim nga haha." At that moment, hindi lang naman kase yung food yung shinishare niyo, hindi lang din naman pera yung nasspend nyo sa isa't isa but also the memories na magiging save point niyo pag dating ng panahon.

Madalas yung akala mong walang kwentang bagay yun pa yung madalas mong naaalala. Yung mga bagay na hindi mo naman binibigyan ng pansin pero napapasaya ka pala for no reason at all. Madalas yung hindi mo ineexpect, yung hindi mo pinapansin for so many times, yun pa yung pinaka maalala mo sa kanya. Na minsan inisip mo "Sana nung mga oras na yon binigyan ko ng pahalaga, sana nung mga oras na yon, hindi ko sinayang, sana may pagkakataon pa ko ulit"

Sa totoo lang, yung regrets yung only reason kung bakit ka nalulungkot tuwing nag rereminisce ka, not the reminisce itself. Reminisce bound to remember happy memories. "you have regrets to the people you love that limits you to be happy". Sobrang nalulungkot ka sa mga bagay na hindi mo nagawa o nag gguilty ka sa mga bagay na ginawa mo. Dun mo nalang biglang maiisip kung talaga bang mahal mo yung isang tao o namimiss mo lang. Pagdating sa ganitong bagay, hindi mo din masabi sa sarili mo kung mahal mo pa talaga siya o namimiss mo nalang yung mga nangyareng yun kase sobrang saya to remember.

Once na nasa isang lugar ka na napuntahan niyo, it will always be nostalgic for you. Mag fflashback lahat even yung voice niya na habang kinakausap ka niya maririnig mo. Traveling will also be difficult for you. Lage mo nalang sasabihin sa sarili mo na "i wish she could also see how beautiful this place is." Yung iba naman mag mamatapang, oo dun kakaen kase sasabihin niya "Naka move on na ko" pero pag tingin niya sa menu, pinaka una niyang hahanapin yung paboritong pagkaen nung 'ex' nya.

Ang labo din minsan, pero the only way lang to over come this pain and loneliness is just to experience that moment all over again. Not necessarily with the same person, but with a certain someone who can make it more special for you. The one who can top everything na naexperience mo before. If you already found that special someone, do not hesitate to give her everything you have. Remember, you don’t want to commit the same mistake again. Do not make yourself regret something you can give in the first place. Always remember that we only have one shot at everything, at, hindi na natin alam kung kelan pa mauulit yon.

So payo ko sayo? Every time na maaalala mo yung mga bagay sa nakaraan, good or bad, just smile :) you are reminiscing because it was a happy moment. Always remember that it was a fun and unforgettable experience. Learn from it, share it, express it. It will be the only time na maeenjoy mo yung pag rereminisce. Yung tipong nag kukwento ka pero malayo yung tingin mo pero naka ngiti ka kase masaya ka. Na kahit alam mo sa sarili mong gusto mo ulit maexperience yon, pero alam mong hindi na pwede kase alam mong masaya na din siya sa iba.

Habang malungkot ka ngayon, habang iniisip mo na ikaw lang yung nag ttreasure nung memories niyo, malay mo one day, marealize niya kung ano talaga yung nawala sa kanya and suddenly hanapin ka niya. Or better yet, akala mo nagiging masaya din siya dun sa pinili niyang choice pero ang totoo pala, mas nag susuffer siya kase ginawa lang naman niya yung bagay na iwan ka para mag grow kayong dalawa. Minsan kase mature decisions can be difficult to understand lalo na dun sa mga taong sobrang na-attach dun sa taong mahal na mahal nila.

 Maybe not today, maybe not tomorrow, but someday and some point of our lives, may dadating na tao satin na sobrang mamahalin natin, sobrang komportable satin, sobrang i-ttreasure mo lahat ng gagawin niyo, yung taong siya lang yung gusto mong makasama araw araw, lahat tayo meron non. Pero hindi lahat sila nag sstay. Madalas sa kanila binibigyan lang tayo ng lecture na kung papano mo dadalhin yung buhay mo ng ikaw lang. Masaya, masakit, ganun naman eh. Minsan masarap, masakit depende sa bigayan. HAHA

Tss puro kalokohan kaya ka iniiwan eh. Pero kung malungkot ka ngayon kase naaalala mo lahat ng nangyare in the past, someday kapag nadaanan mo yung certain place kung san kayo kumakaen o narinig mo yung music na lagi niyong pinapakinggan, sasabihin mo nalang sa sarili mo "i remember those days, i remember her, ang saya, it was fun" and then you'll just walk away with pure happiness in your head. Tandaan mo, sa una lang lagi masakit pag tumagal na yan ang sarap na ng feeling at hindi mo mapapansin kapag tumagal na, wala ka ng mararamdaman LOL.

follow me for more updates :)

Tuesday, October 25, 2016

Nagmahal, Nasaktan, Naghanap ng iba


Pamilyar ka ba sa mga salitang:

"Opo baby walang iwanan, ikaw lang talaga wala ng iba"
 eh ung
"Ano ka ba! Ang kulit mo! Sabi ng kaibigan ko lang yon, may boyfriend/girlfriend yung tao"
dito kaya?
"Jusko pati ba naman si BESSS ko pagseselosan mo? pagselosan mo na lahat ng tao wag lang yon
eh eto hanapin ang mali
"Ahh si BESSS? Nakakalaro ko lang yon ano ka ba? Parang tanga to eh ang cute mo magalit <3"
d pa ba ko natama? eh eto last na
"Ah si BESSS ka-officemate ko lang yon. Parehas lang talaga kame ng shift kaya kame palaging magkasabay"

Siyempre ikaw si tonta sasabihin mong ay oo nga baby nag titiwala naman ako na hindi mo magagawa yon. I love you :* PAK GALING! Minsan kase may mga tao talagang blinded nalang ng "pagmamahal" nila sa partner nila. Pero is it really love? O nanghihinayang ka lang talaga sa relasyon niyo at ayaw mo lang siya mawala kase takot kang maiwan ka kase hindi mo alam kung kaya mo mag isa? Sakit po?

Madalas kaseng nangyayare huling huli na lumulusot pa. In the end lumalabas pa na ikaw yung masama at ikaw yung may kasalanan dahil sa mga nagawa mo sa kanya kung bakit ganon yung nangyare. Ilang beses mo na ba siya nahuli? Ilang beses na ba siya umulit? Do not take yourself for granted as you deserve to be loved unconditionally. Madami pa jan! Maniwala ka saken (wow coming from me)

Bilib ako sa mga taong after nila mahuli ung ka-relasyon nila na may iba, umaalis na agad and hindi na niya pinag-eexplain pa. Madalas dun tayo natatalo sa kanila. Letting them explain is just like giving them another chance at kapag nangyare yon, siyempre magtatampo ka muna. For 1week sure yon, may flowers ka, chocolates, dates, lahat ng gusto mo meron ( kaya mang huli ka nlang lage para makuha mo gusto mo ) and then kapag okay na kayo, back to reality na ulit. WHO YOU PO?

"Once a cheater, always a cheater" kumbaga sakit na nila yun eh. Pero bakit nga ba nagkakaroon ng 3rd party ang isang relasyon? Money? Love? Sex? Ultimo naman sa storya ni eva at adan yung ahas naman talaga yung naging dahilan kung bakit sila nag tikiman. HAHA! Sa totoo lang, madaming tanong dito. Unang una kung babae ba o lalake yung madalas na involve, kung sino yung mas marupok, kung sino yung madalas na gumagawa, well it doesn't matter!

Money cannot buy you love, but money can buy you sex. Love cannot give you money, but it has sex. Sex can give you money LOL, but you cannot turn LUST into love. The only thing lang naman na nagkakaparehas sila is the HAPPINESS na nararamdaman nila. YES you heard it right. "HAPPINESS" most of the people na natanong ko isa lang ang sagot. They are not happy with their relationship anymore that's why they FLIRT. It doesn't mean daw na hindi na nila mahal ung partner nila kaya kaya nila nagagawa yon. But it's just simply because they are BORED and naghahanap naman sila ng BAGO sa NAKAKAPAGOD nilang RELASYON. Sabi nga nila diba "Mas madaling mahuli ang manok kapag nakatali"

Kaming mga lalake? Nako hinding hindi namin ginawa to kahit kelan maputulan man kaming lahat (RIP Junjun) jusko lalong lalo na ko (walang may pake). Minsan ba natanong mo na ba ung partner mo kung masaya pa ba siya sayo? Kelan ka niya sinagot ng I love you ng nakatingin siya sa mga mata mo? Mababa lang yung mata niya, "okay lang" yung madalas na sagot niya sa mga inaaya mo sa kanya, yung pag nag holding hands kayo parang hinihila mo nalang siya. Hindi mo alam, ikaw nalang pala yung masaya sa inyong dalawa kase wala na siyang interes sa inyo.

Sa totoo lang dun lang naman nagkakatalo eh, ako bilang lalake hindi naman sa pinapanigan ko yung mga babae. Pero kase tayo lang talaga yung nagiging basehan kung papano tayo mamahalin o papakisamahan nung partner natin. Kung papano mo siya tinatrato everyday, kung papano mo siya inaalagaan, kung papano mo siya pinapahalagahan araw araw, at higit sa lahat, kung ano yung pinaramdam mo sa kanya. Yun kase yung lagi nilang hinahanap hanap. 

Siya yung laging sinusuyo diba, siya yung dapat laging pinagbibigyan, so dapat in the first place alam na natin kung saan tayo dapat lumugar. Ang babae titiisin niyan hanga't kaya niya, susubukan niyan lahat para matanggap ka, kikiligin yan kahit LaLa na chocolate lang yung binigay mong chocolate sa kanya, susubukan pa niyang i-preserve yung bulaklak na binigay mo sa kanya. Kaya kung may problema tayo sa relasyon, isa lang ang ibig sabihin non, GINUTOM MO SIYA. Good luck nalang sayo bes.

And yes, walang maaagaw kung walang magpapaagaw. Pero walang mawawala sayo kung pinapahalagahan mo. Yes everyday you'll have to deal with temptations, attractions at kung ano pang makakaagaw pansin sa partner mo, BUT, if you have his/her ATTENTION, then lahat ng iyon details nalang din sa maganda niyong relasyon. Pero kayong mga babae naman, hindi naman porket binibigay namin lahat sa inyo, pinoprovide namin lahat eh mag tatake advantage na kayo. Wag naman kayo mag tampo samen kung wala kame nung gusto niyo. Minsan matuto din kayong makuntento kahit marami pang better sa mundo.

Kulang na kulang yung sasabihin mong "binigay ko na nga lahat sa kanya pero ganon padin" binigay mo nga lahat ng gusto niya, eh kelangan ba niya yon? Minsan sapat na yung maging TOTOO KA lang SA KANYA, maging totoo ka lang sa sarili mo na hindi mo naman talaga kelangan maging ibang tao para makuha ung attensyon ng mahal mo. Tandaan mo, minahal ka niya kase ikaw yon, nagustuhan at tinanggap ka niya

And don't get me wrong dun sa pagbabago. Siyempre naman kung nag babago ka for good para sa partner mo, it's a sign of a healthy and mature relationship. Kapag ganun ba yung relasyong meron ka sa tingin mo ung partner mo mag hahanap pa ba ng iba? Just be happy, contented, wag niyo masyado ipaaalam sa mga tao yung kung anong meron kayo. Napapansin niyo ba sa social media ung mga nag popost ng mga tungkol sa karelasyon nila? Yung sobrang sweet na posts, then nag inom lang si lalake o babae andami ng sinabi sa post na sobra sobra yung paninirang ginagawa.

Well para sabihin ko sa inyo, hindi kinaganda non yung relasyon niyo. Unang una binigyan mo lang ng hint ung ibang tao para magkaroon siya ng pagkakataon na dumiskarte dun sa partner mo dahil VULNERABLE na siya. Alam na ni BESHY yon kung papano niya iaapproach ung sinaktan mong mahal mo. Siguro naman alam mo na kung ano lang naman ang balak ni BESHY sa girlfriend mo? True love yon maniwala ka saken. HAHA

Kaya bes payo ko sa iyo, eat your girl right para hindi ka naaagawan at hindi nag hahanap si baby ng iba. TREAT pala! Sorry! Sorry naman! Tanggapin na natin yung katotohanan, HINDI TALAGA FAIR ang mundo. Gusto mo, hindi ka gusto, may pera ka, ginusto ka. Sabi sayo bes eh. Kapag may work ka, may work work work ka din kay baby. Uulitin ko, malaking part padin sa isang relasyon ung established na sa buhay. Lalo na yung mga lalake. Kase tayo talaga susuporta sa lahat ng bagay. MADALAS, tayo yung dapat na umintindi.

Pero lagi mong tatandaan na kung wala ka na ng maintindihan, kung wala ka ng malapitan, kapit lang sa akin, kumapit lang sa akin. Hindi kita bibitawan Bes promise. Galing mo pala kumanta HAHA! Ingat ka pauwi :) tandaan mo hindi lahat ng ahas nagapang. Pero pagdating sa ganitong usapan "MASAKIT MALAMAN ANG TOTOO PERO MASARAP SA PAKIRAMDAM"

 FOLLOW ME FOR MORE UPDATES :)

Thursday, October 20, 2016

Nagmahal, Nasaktan, Nagsulat

Well let me get this straight! Hindi naman puro drama lang ung ipopost ko dito. in-fact tapos na tayo dun sa parteng yon. Oo masakit umasa! Masakit maiwan! Masakit mag mahal ng hindi ka mahal! Masakit yung binigay mo na lahat kulang padin! Pero mas masakit yung... TAMA NA!

Oo, masakit naman talaga yon, masasabi mo na okay ka lang pero dadating ka din dun sa point na maalala mo lahat ng masayang nangyare sa inyo ( sayo ). Wala eh we all have our own lives and we can't expect someone to stay for the rest of our lives. "napapagod din tayo."

Speaking of pagod! Bat hindi mo nalang gawing benefit yang kalungkutan at sakit na nararamdaman mo? Parang etong ginagawa ko! Oo malungkot, sobra, masaket, pero hahayaan ko nalang bang ganon? Eto lang sasabihin ko sayo na matatauhan ka. alam mo yung mas masakit? "YUNG WALA KA NG PERA!" at some point of our lives, oo, "MONEY CAN BUY HAPPINESS". Kung ikaw nag babasa nito at sasabihin mong hindi ka agree jan then hypocrite ka.

Can love feed you? Sige nga igisa mo yung halik ko tapos sabawan mo ng yakap mo yung pagmamahalan natin. Ano nabusog ka? PWE! (bitter lang) HAHA! Pero totoo naman di ba? Yes masarap mag mahal, but there are more important things in life than love. Sample? "GET YOURSELF A JOB" trust me sa panahon ngayon? "MAS MAHAL NG TAO ANG MAY PERA" Yung iba nga naglalakad lang may mahal na. Presto! may iphone ako! AHAHA

Anyway going back dun sa trabaho, mas importante yun sa pag mamahal. "love should just be motivating you, not demotivating you" pagdating sa ganitong pangyayare. Hindi lang to importante dahil matutulungan mo yung family mo, pero ikaw, sa sarili mo maeestablish mo yung sarili mong buhay. Mas makakapamili ka pa ng mas better. Mas makakapag travel ka pa, mas mag ggrow ka as a person, Mas makakakain ka ng madami, mas makapang bababae ka, mas makapang lalalake siya, ayy sorry! iba na pala yon. HAHA!

But to tell you honestly its true :) i've been in a relationship for the last 5 years and honestly? Wala akong masyadong napundar para sa sarili ko. Oh hindi ako nagpaparinig ah! Wala akong masamang ibig sabihin sa kanila don. Oo masaya, madaming memories, wala akong nireregret sa lahat ng nangyare o nabigay ko sa kanila pero nang hihinayang ako sa sarili ko kase alam ko ung capabilites ko na kung sinunod ko lang yung "CHEAT NG BUHAY" eh hindi ako nahihirapan ngayon. Sagabal talaga yang mga babae. JOKE LANG! AHAHAHA

Pero pinaka masayang bagay sa may karelasyon? "PAG TRAVEL" walang makakatalo sa eksenang nasa beach kayo ng girlfriend mo, sunset tapos magkahawak kayo ng kamay. Siyempre malandi kayo parehas kaya tatakbo kayo at madadapa girlfriend mo tapos ikaw naman si galing hihiga ka din sa kanya sa buhangin. Oh diba? sarap suntukin beh. HAHA.

Isa pang masaya? may instant " Food Buddy " ka. Imposible kasing hindi kayo kakaen ng magkasama. Pag mayaman sympre fine dining lage kayo. Mamahaling resto, buffet, naka reserve na dinner date, sa hotel kumakain ganon. Kapag naman mejo nag bubudget, okay na yung may Pizza, Pasta, mga cake, Frappe, date lang sa Starbucks ganon. Pero kapag talaga namang wala ng pera tapos gustong gusto lumabas at para daw mapatunayan nilang mahal nila isa't isa, madalas nyan sa hotel na sila nag kakainan. ( bahala ka na mag isip jan ) AHAHA

More? syempre may "Movie Buddy" ka! Sino ba naman makakalimot sa mga little things na ganito? Ultimo ung first movie nyo na pinanuod, ung ticket non nasayo pa kase sobrang memorable. Kung nag aantay ka na may sasabihin akong something dito na nakakaexcite at nakakamiss, hindi muna mangyayare yon kase inaabangan mo. Yung tanging aabangan mo lang is yung siyempre, ung favorite movie nyo. Minsan nga kahit siya nlang yung may gustong manuod non, papanuorin mo na din kase gusto niya yun eh. Isa nalng din siguro yun sa mga bagay na hindi mo napansin sa sarili mo na ginagawa mo makasama lang siya.

Kung mapapansin mo may mga naka "quoted" na words jan na naka capitalize. Yan kase ung mga susunod na topic kung ano ung mga susunod na ipopost ko. Minsan hindi mo na kailangan ng mga komplikadong salita para lang maintindihan. Kung babalikan mo lang ulit ung mga salita, mararamdaman mo na ulit kung ano yung tunay mong nararamdaman. Siguro sa susunod hindi na lahat ng "HAHA" pilit. Malamang sa susunod masaya na yung kapalit.

I just want to dedicate this blog of mine to those who trusted their love ones to the fullest but still got neglected, to the ones who got cheated on despite of being loyal, the ones who lied on despite of being faithful, the ones who got left behind when all you do is to stay and still trying to make things right not matter how hard it is. In your difficult times, i know deep down in your heart that you felt that you are alone. Numbness makes you feel nothing but emptiness, leaving a big hole in your heart that you are trying to cover from everyone.

I just want you to know that you are not alone. your friends and your family is always here for you. Maybe if the pain is just fresh out from the box, you'll definitely say that "no one can understand me, or no one will understand the pain that i'm having right now." but believe me after a week or so, you'll definitely realize the true meaning and value of "LOVE"

So please! It is not the end of everything, we're just getting started :) imagine i am writing this down with tears in my eyes. But still, i am able to express what i have in mind in a inspiring manner. I don't mind sharing my real life stories with you. If you want to, you can even share your stories with me, but make sure of that right after you shared it, you are going to have an true adventure of your own :)

Next post ko  sama ka sa mga  "ADVENTURE" ko! promise, mag "Uunwind" tayo ng sobra para maramdaman mo na ulit mabuhay. Patunayan natin sa mga hayop na yon na MAS MASAYA TAYO NUNG INIWAN KA NIYA. siyempre hindi mo napansin pinag tripan kita sa statement na yon. For sure if there's someone na mag reregret? siya yon hindi ikaw. "LOVE YOURSELF" first and dharma will take care of the rest. as of them? let Karma take care of them :)

"MAGIGING MASAYA DIN TAYO"

FOLLOW ME FOR MORE UPDATES :)