Reminisce? Eto yung bagay na hindi ka
mananalo kahit anong pilit mo. Dalawa lang yan eh, its either ngingiti ka
kase masaya or iiyak ka kase masaya. Para sabihin ko sayo to ito yung pinakamahirap
na pangyayare kase hindi mo kayang pigilan yung mararamdaman mo o maiisip
mo.
Sample? Eto madalas saken to eh, pumasok ka sa isang convenient store
para mag hanap ng maiinom o makakaen. Uhaw na uhaw ka na then nag play yung
paborito niyong music tapos yung kanta pa "marry me"pagka-rinig na pagka-rinig mo dun sa intro palang tulala ka na agad. Nag flash
back na kaagad sayo yung memories niyo na magkasama kayo. Imbes na yung gusto mo yung binili mo, iba yung kinuha mo.
Bakit? kase yun yung gusto niyang
bilhin mo sa kanya. For a brief moment of time naging unfair ka na naman
sa sarili mo. But tatawagin mo bang unfair yon kung yun naman talaga yung
gusto mong gawin? Yung mapasaya lang siya, yung hindi mo iniisip yung gusto mong
inumin kase ang importante yung moment na napasaya mo siya sa maliit na bagay kahit
wala na siya. When you love unconditionally, wala talagang
boundaries. Dito papasok yung alam mong tama ka sa sarili mo pero hindi
importante yung manalo ka kase ayaw mong sumama yung loob niya sayo kahit anong
mangyare.
Madalas yung big things yung gusto
natin mangyare not knowing na yung small things talaga yung nag bibigay satin
ng memories. Yung small things na yon, napakalaking impression non kapag
iniisip mo yung nakaraan. Imagine yung dinner niyo sa mamahaling resto na naka
reserve niya sayo as a surprise. Big thing yon kase pinag handaan talaga ng
maigi at pinag ipunan. Pero ito itatanong ko sayo. Gusto mo ba talaga yung food
don? Komportable ka ba talaga sa pangyayare? Masaya ka ba? Oo siyempre
mahal yun eh. AHAHA!
Kesa naman sa ganito. Wala kayong
masyadong pera so mas pinili niyo nalang kumaen sa simpleng lugar like food
bazaar. Nag travel pa kayo para mag hanap ng kakainan, nag away pa kayo kung
ano yung kakainin, tinitignan niyo pa kung anong food yung pasok sa budget
niyo. Mag aagawan pa kayo ng pagkaen kase hindi pwedeng maubos yung sayo.
Gagawa ka ng paraan para tumayo lang yung kasama mo para makuha yung sa kanya.
Minsan kahit parehas kayo ng inorder "Parang ang sarap ng sayo, patikim
nga haha." At that moment, hindi lang naman kase yung food yung shinishare
niyo, hindi lang din naman pera yung nasspend nyo sa isa't isa but also the memories
na magiging save point niyo pag dating ng panahon.
Madalas yung akala mong walang kwentang
bagay yun pa yung madalas mong naaalala. Yung mga bagay na hindi mo naman
binibigyan ng pansin pero napapasaya ka pala for no reason at all. Madalas yung
hindi mo ineexpect, yung hindi mo pinapansin for so many times, yun pa yung
pinaka maalala mo sa kanya. Na minsan inisip mo "Sana nung mga oras na
yon binigyan ko ng pahalaga, sana nung mga oras na yon, hindi ko sinayang, sana
may pagkakataon pa ko ulit"
Sa totoo lang, yung regrets yung only
reason kung bakit ka nalulungkot tuwing nag rereminisce ka, not the reminisce
itself. Reminisce bound to remember happy memories. "you have regrets
to the people you love that limits you to be happy". Sobrang
nalulungkot ka sa mga bagay na hindi mo nagawa o nag gguilty ka sa mga bagay na
ginawa mo. Dun mo nalang biglang maiisip kung talaga bang mahal mo yung
isang tao o namimiss mo lang. Pagdating sa ganitong bagay, hindi mo din
masabi sa sarili mo kung mahal mo pa talaga siya o namimiss mo nalang yung mga
nangyareng yun kase sobrang saya to remember.
Once na nasa isang lugar ka na
napuntahan niyo, it will always be nostalgic for you. Mag fflashback
lahat even yung voice niya na habang kinakausap ka niya maririnig mo. Traveling
will also be difficult for you. Lage mo nalang sasabihin sa sarili mo na "i
wish she could also see how beautiful this place is." Yung iba naman
mag mamatapang, oo dun kakaen kase sasabihin niya "Naka move on na
ko" pero pag tingin niya sa menu, pinaka una niyang hahanapin yung
paboritong pagkaen nung 'ex' nya.
Ang labo din minsan, pero the only way
lang to over come this pain and loneliness is just to experience that moment
all over again. Not necessarily with the same person, but with a
certain someone who can make it more special for you. The one who can top everything
na naexperience mo before. If you already found that special someone, do not
hesitate to give her everything you have. Remember, you don’t want to
commit the same mistake again. Do not make yourself regret something you can
give in the first place. Always remember that we only have one shot at
everything, at, hindi na natin alam kung kelan pa mauulit yon.
So payo ko sayo? Every time na maaalala
mo yung mga bagay sa nakaraan, good or bad, just smile :) you are reminiscing
because it was a happy moment. Always remember that it was a fun and
unforgettable experience. Learn from it, share it, express it. It will be the
only time na maeenjoy mo yung pag rereminisce. Yung tipong nag kukwento ka pero
malayo yung tingin mo pero naka ngiti ka kase masaya ka. Na kahit alam mo sa
sarili mong gusto mo ulit maexperience yon, pero alam mong hindi na pwede
kase alam mong masaya na din siya sa iba.
Habang malungkot ka ngayon, habang
iniisip mo na ikaw lang yung nag ttreasure nung memories niyo, malay mo one
day, marealize niya kung ano talaga yung nawala sa kanya and suddenly
hanapin ka niya. Or better yet, akala mo nagiging masaya din siya dun sa pinili
niyang choice pero ang totoo pala, mas nag susuffer siya kase ginawa lang naman
niya yung bagay na iwan ka para mag grow kayong dalawa. Minsan kase mature
decisions can be difficult to understand lalo na dun sa mga taong sobrang
na-attach dun sa taong mahal na mahal nila.
Maybe not today, maybe not
tomorrow, but someday and some point of our lives, may dadating na tao satin
na sobrang mamahalin natin, sobrang komportable satin, sobrang i-ttreasure
mo lahat ng gagawin niyo, yung taong siya lang yung gusto mong makasama araw
araw, lahat tayo meron non. Pero hindi lahat sila nag sstay. Madalas sa kanila
binibigyan lang tayo ng lecture na kung papano mo dadalhin yung buhay mo ng
ikaw lang. Masaya, masakit, ganun naman eh. Minsan masarap, masakit depende
sa bigayan. HAHA
Tss puro kalokohan kaya ka iniiwan eh.
Pero kung malungkot ka ngayon kase naaalala mo lahat ng nangyare in the past,
someday kapag nadaanan mo yung certain place kung san kayo kumakaen o narinig
mo yung music na lagi niyong pinapakinggan, sasabihin mo nalang sa sarili mo "i
remember those days, i remember her, ang saya, it was fun" and then
you'll just walk away with pure happiness in your head. Tandaan mo, sa una lang
lagi masakit pag tumagal na yan ang sarap na ng feeling at hindi mo mapapansin
kapag tumagal na, wala ka ng mararamdaman LOL.
follow me for more updates :)
No comments:
Post a Comment