Minsan tinanong ko yung sarili ko kung bakit pa ko nandito
Kung bakit nagkaroon pa ko ng dahilan para mabuhay sa mundong to
Sa mundong mapang husga, mapanglait
Sa mundong mas alam pa nila yung storya ng buhay mo kesa sayo
Sa mundong inaantay ng tao na magkamali ka, sa mundong laging mali ka
Pero nakilala kita, ang taong nag bigay ng pag-asa sa buhay ko
Yung taong walang pakialam sa mga mapang-husga, na ang tanging sikreto ay ako
Ang taong nag bigay ng kulay, sa madilim na mundo ko
Ang tanging taong tumanggap saken, sa taong tulad ko
Na ang tanging kayang ibigay eh yung sarili ko, at buong puso ko
Minsan natanong ko, bakit ako? Bakit ako yung pinili mo?
Ang sagot mo naman, kase ikaw, ikaw ang bumuo sa puso ko
Ang tanging taong nag mahal sakin ng husto
Ang tanging taong nag bigay saken ng gusto ko
Ang tanging taong nagparamdam saken na buhay ulit ako
Simula non naging masaya ako. Nabuhayan ako ng loob
Kase for once, may taong nakaintindi saken, tinanggap niya ko ng buo
Dun ko naramdaman na laging may pag-asa sa buhay nating madilim
Na sa kabila ng pagod at sakit, nagiging masaya din tayo ng palihim
Yung matatawag mong sayo, yung mamahalin mo ng totoo
Pero isang araw bigla nalang siya nawala
Hindi ko alam ang dahilan, ni hindi man lang siya nag paalam
Pero yung pakiramdam na hindi mo matanggap sa sarili mo na wala na siya
Mas masakit pa yon sa makarinig ka ng totoo sa mga taong mapang husga
at mga taong walang alam sa pagmamahalan
Araw-araw hinahanap ko siya, oo, umaasa akong makikita ka pa
Sa gitna ng sakit, pighati at kaba, umaasa padin akong babalik ka
Hangang sa pag lubog ng araw, kasabay ng pag pikit ng aking mga mata
Ang pag-asa na makita ka, bumalik ka, ay pag-asa ng isang tanga
Isang tangang handang tanggapin ka, ganon ka kase kahalaga
Hindi alintana ang sasabihin ng iba, pikit mata kong tatanggapin ka
Pero hangang ngayon, umaasa padin ako na babalik ka
Umaasa padin ako na magbabago ka
Umaasa padin ako na babalik ka saken, kase sa pagitan ng pag-asa kong to
Umaasa padin ako na mahal mo parin ako.
Sana bigyan mo ulit ako ng pag-asa na patunayan yung sarili ko sayo.
No comments:
Post a Comment