Tuesday, August 22, 2017

Ang masakit na pag-tanggap


Minsan ang hirap tanggalin ng bagay na nakasanayan na.
Kahit madalas magulo, kahit minsan mahirap.
Hindi natin kayang bitawan ang isang bagay na minsan nagbigay satin ng saya at ngiti sating mga mata.
Para tayong nahulog sa isang bangin, parehas tayong nakakapit sa iisang bagay na alam nating makapag-sasalba sa buhay natin.
Kahit alam nating mahirap, hindi tayo bumibitaw.
Hanggang nararamdaman natin yung sakit, mas lalo tayong kumakapit, mas lalo natin hinihigpitan.
Hanggang sa hindi mo namamalayan, wala ka na palang nararamdaman.
Kadalasan kapag wala ka ng maramdaman, tumitingin ka nalang sa paligid
Masugid na nagmamasid ng mga pangyayare malapit sayo
Hindi mo napansin ikaw nalang pala yung nakakapit sa bagay na akala mo hindi niyo bibitawan.
Sa tagal ng panahon niyong nakakapit, humihingi na pala siya ng tulong sa iba
Sa pag-aakalang tutulungan niya kayo para umangat ulit
Masaya ka nung nakita mong nakaka-angat na siya dahil alam mo sa sarili mo na tutulungan ka niya kapag okay na siya
Pero pagkatapos niyang bumitaw at umalis sa pinagkahulugan niya, niyakap at pinasalamatan niya yung taong tumulong sa kanya.
Sa sobrang sakit nung nakita mo, ang dating dalawang kamay na nakakapit sa isang lugar, ngayon isa nalang.
Kasabay ng pagbaba ng kamay mo ay ang pagbaba ng mga mata mo
Ngayon hindi lang kamay ang hindi mo maramdaman kundi buong katawan mo
Pero nanatili ka pading nakakapit, umaasang makikita ka, mabibigyan ng pansin nung mga taong dadaan
Hindi padin nawawala sa isip mo na babalikan ka niya para tulungan at ibalik muli
"Tumawag ka sa kanya ng tulong, pero sa tuwing pagtawag mo ay wala kang naririnig na sagot
Tanging luha mo lang ang sumalubong sa mga labi mo habang binubulong mo ang pangalan niya."
Sa pag-yuko mo, nakita mo ang nag iisang anino
Hindi mo namalayan, may bagong araw ng dumating
Kasabay ng pag tungo mo ang pagkasilaw sa bagong umaga para sayo
Sinubukan mong ibalik muli ang kamay mo sa dati nitong kinalalagyan
Sinubukan mong i-angat ang sarili mo pero hindi mo kaya
Naghanap ka ng ibang makakapitan para ma-iangat ang sarili mo
Sa paghahanap, muntik ka ng mahulog dahil hindi ka na sigurado sa mga kinakapitan mo
Pero sa paghahanap mo para i-angat ang sarili mo, hindi mo napansin na wala ka na pala dun sa lugar kung saan ka nasaktan at iniwan
Ngayon nakikita mo nalang yung bagay na pinanghawakan mo
At nasabi mo sa sarili mo na "hindi na ko babalik sayo"

No comments:

Post a Comment